ate(8)
Nakakalungkot isipin na wala na pupunta pa ang umasa sayo at sa mga pangako mo
Ngayon
Parang kailan lang nasa alapaap ang aking puso nang dahil sa kanya. Napuno nang pag-asa at happy thoughts ang cynical kong puso. Akala ko tunay….
Diosmiyo! Nalingat lang ako wala na sya. Para syang bula na naglaho sa kawalan. Walang paliwanag kung bakit at kung pano na, basta nawala na lang.
Kung kelan nasanay na ako na andian ka ska ka naman mang-iiwan sa ere. Ikaw talaga! At ako naman talaga etong si tangang walang kadala-dala.
Ngayon, kailangan ko muli magsimula. Ngayon, kailangan ko na naman muling ibukas ang pinto nang pag-asa at pagkakataon.
Ngayon, ganito ako, Bukas malay ko baka dumating na ang tamang tao.
#personal
Hindi ko inakala na dadating ang araw na to, na parang hindi na kompleto ang araw ko pag wala ang presensya mo sa buhay ko…
Hay namiss kita
Card
Ang bigat sa pakiramdam na hindi mo maramdaman ang pakiramdam na ninais mong maramdaman sa eksakto pagkakataon na natanggap niya ang card
Yung card na pinaglaanan mo nang panahon, mahanap lang ang tamang salitang gusto mong iparamdam sa kanya.
Hindi ko mawari kung kulang ba ang card, o sadyang kulang lang siya nang emosyon.
Haybuhay #pagibig